^

Probinsiya

Bigtime ‘tulak’ dakma sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines –Arestado ang isang sinasabing bigtime na pusher ng droga matapos masakote sa isang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, kamakalawa ng madaling araw.

Ang suspek ay kinilalang si Alexander Sison, 55-anyos, residente ng Phase 4, Blk 168 Lt 26, ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon laban sa suspek.

Nang magpositibo matapos makabili ang pulis na tumayong buyer ng P2,000 halaga ng droga sa suspek ay dito na ito pinaligiran ng iba pang mga pulis at dinak­ma.

Nakuha ang may 52 gramo ng shabu na aabot sa P150,000.00. ang halaga.

Nabatid na ang suspek ang siyang supplier ng iba pang mga tulak sa ilang ba­­rangay ng lunsod ng Dasmariñas.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with