^

Probinsiya

10 sasakyan inararo ng trak: 9 patay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
10 sasakyan inararo ng trak: 9 patay
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 11 Spokesman P/Major Jason Baria, pasado alas-9:30 ng umaga nang magkarambola ang 9 na behikulo sa junction ng Matina Pangi Road at CP Garcia Highway sa nasabing lungsod.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Siyam katao ang nasawi kabilang ang 2-anyos na paslit makaraang araruhin ng isang trailer truck ang mga sasakyan sanhi ng karambola sa highway sa Guadalupe Km 5, Matina Pangi, Davao City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 11 Spokesman P/Major Jason Baria, pasado alas-9:30 ng umaga nang magkarambola ang 9 na behikulo sa junction ng Matina Pangi Road at CP Garcia Highway sa nasabing lungsod.

Ayon kay Baria, kabilang sa mga nagkarambola ay ang isang trailer truck wing van (LXB302); Toyota High Ace Van (BCN661); KIA Sportage (KEP 343); Honda CRV (LGE978); Mitsubishi L300 (AAG 4913); TMX with Sidecar (5013LV); Avanza (ZSE 506); Susuki AVP (PPI830), isang multicab (JFG233) at dalawa pang sasakyan.

Sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng trailer truck na kinilalang si Joel Sinampay Aras, 36-anyos ng Cagayan de Oro City matapos masiraan ng preno habang bumabagtas sa kahabaan ng CP Garcia highway. Galing ang trailer truck sa Sasa at patungong Calinan ng lungsod nang mawalan ng preno ang behikulo malapit sa Phoeonix Gas Station na nagresulta sa karambola ng mga sasakyan sa nasabing lugar.

Dahil sa insidente, 9 katao ang nasawi na kinabibilangan ng anim na lalaki, dalawang babae at isang 2-anyos na batang lalaki habang dalawa ang kritikal sa Southern Phi­lippines Medical Center.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ayon kay Baria, walo sa mga biktima ang dead-on-the-spot habang dalawa ang nasawi sa pagamutan.

vuukle comment

DAVAO CITY ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with