^

Probinsiya

18-anyos kinatay ng kainuman

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
18-anyos kinatay ng kainuman
Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Edison Ramos, 20-anyos, construction worker ng nasabi ring lugar. Sa imbestigasyon ni P/SSgt Yves S. Luyun, ala-1:40 ng madaling araw kapwa mga lasing na lasing ang biktima at suspek nang mapikon ang huli sa kadaldalan ng una.
File

CAVITE, Philippines — Tadtad ng saksak nang madatnan ng mga rumesponde ang isang 18-anyos na binatilyo matapos umanong katayin ng kainuman kahapon ng madaling araw sa Brgy. Calibuyo, Tanza, ng lalawigan.

Patay na bago pa man madala sa pagamutan ang biktimang si John Paolo Domingo, construction worker, ng Brgy. 42-B, Cavite City.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Edison Ramos, 20-anyos, construction worker ng nasabi ring lugar. Sa imbestigasyon ni P/SSgt Yves S. Luyun, ala-1:40 ng madaling araw kapwa mga lasing na lasing ang biktima at suspek nang mapikon ang huli sa kadaldalan ng una.

Gamit ang kutsilyo, inundayan ng saksak ng suspek ang biktima matapos mapikon. Duguang bumulagta ang biktima na nadala naman sa Tanza Family Hospital subalit idineklara siyang dead-on-arrival. Nabatid na hapon pa lang ay nagsimula nang mag-inuman ang dalawa kung kaya mga lango na sa alak nang maganap ang insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with