^

Probinsiya

Rider itinumba sa harap ng paslit

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Duguang bumulagta ang isang 35-anyos na rider matapos abangan at barilin sa harap mismo ng kanyang 4-anyos na anak sa kahabaan ng barangay road sa Sitio Tonog, Brgy. Nailaban sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa dalawang tama ng punglo sa ulo ang biktimang si Junrey Marin, mangingisda at residente ng Brgy. Maolingon. Hindi naman idinamay at sinaktan ang kanyang anak na si Jessa Marie.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi, sakay ng motorsiklo ang mag-ama at binabaybay ang kalsada pauwi sa kanilang bahay nang sumulpot sa daan ang hindi nakilalang gunman at pinatigil ang biktima at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.

Nakuha sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre 45 baril habang patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaril.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with