^

Probinsiya

Van tumaob: 3 patay, 16 sugatan

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Van tumaob: 3 patay, 16 sugatan
Sa inisyal na ulat ng pulis­ya, dakong alas-6:30 ng umaga habang binabagtas ng Nissan commuter van (NDS 6161) lulan ang 19 na pasahero ang kahabaan ng STAR Tollway sa bahagi ng Southern Tagalog Arterial sa Brgy. Bugtong na Pulo, patungo sa Batangas City nang biglang sumabog ang isa sa mga gulong nito dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.
www.facebook.com/mikesalgado.ph

Sa STAR Tollway

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao kabilang ang dalawang estudyante habang 16 na pawang mga mag-aaral din ang sugatan matapos na tumaob ang sinasak­yang pampasaherong van habang bumabagtas sa kahabaan ng STAR Tollway sa Lipa City, sa lalawigan ng Batangas, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Chief Insp. Wilfredo Sacmar ng Highway Patrol Group ang mga nasawi na sina Maxine Guinevere Vivas, 17, Ma. Kristina Paula, 18; pawang mga mag-aaral ng Senior High School of De La Salle Lipa, at ang driver ng van na si Danilo Manalo, 68.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang 16 na sugatan na mga estudyante rin ng nasabing paaralan upang malapatan ng lunas.

Sa inisyal na ulat ng pulis­ya, dakong alas-6:30 ng umaga habang binabagtas ng Nissan commuter van (NDS 6161) lulan ang 19 na pasahero ang kahabaan ng STAR Tollway sa bahagi ng Southern Tagalog Arterial sa Brgy. Bugtong na Pulo, patungo sa Batangas City nang biglang sumabog ang isa sa mga gulong nito dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Bunga nito ay bumaligtad ang behikulo na ikinasawi ng dalawang estudyante at driver habang nasugatan naman ang iba pang pasahero

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa kasong ito.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with