^

Probinsiya

GenSan pinasabog: 7 sugatan!

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
GenSan pinasabog: 7 sugatan!
Ayon kay P/Supt. Aldrin Gonzalez, tagapagsalita ng Police Regional Office-12, isa sa mga sugatan ang malubha ang kalagayan matapos na sumabog ang bomba bandang alas-11:45 ng umaga.
https://www.facebook.com/News5Everywhere/

NORTH COTABATO  , Philippines  —   Pito katao ang nasugatan makaraang sumabog ang isang improvised explosive device o IED na itinanim sa ilalim ng upuan ng isang karinderya sa panulukan ng Makar sa Barangay Apopong, General Santos City kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Aldrin Gonzalez, tagapagsalita ng Police Regional Office-12, isa sa mga sugatan ang malubha ang kalagayan matapos na sumabog ang bomba bandang alas-11:45 ng umaga.

Ayon sa isang testigo, iniwan ang isang brown bag sa upuan ng karinderya ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Agad na isinakay sa isang nakaparadang van ang pitong sugatan patungo sa ospital ang mga biktimang sina Marlon Orabia, 30-anyos, ng Apopong; Jery Guyos, 19, ng Polomolok; Joana Bles Alipio, 3, ng Polomolok; Filipa Regidor, 64, ng Polomolok; Lally Jean Alipio, 34, ng Polomolok; John Lenon Calang, 22, ng  Sultan Kudarat at Claire Uozola, 24, ng Sultan Kudarat.

Sa hiwalay na impormas­yon mula kay Police Region-12 Director Eliseo Tam Rasco na sa unang impresyon, isang IED ang sumabog subalit patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan para kumpirmahin ito.

Hinikayat naman ni Rasco ang mga mamamayan na maging mapagmatyag sa kanilang paligid.

Sa pagsusuri, ang IED ay naglalaman ng mga pako at ilang mga metal fragments at mga matutulis na bagay.

Inatasan na ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang kanyang mga tauhan na tugisin ang mga taong nasa likod ng paghahasik ng terorismo sa General Santos City. Inutos din niya na paigtingin ang mga checkpoints, police visibility patrols at tumuon sa intelligence at law enforcement ope­rations habang patuloy ang kanilang close coordination sa iba pang miyembro ng secuity sectors.

Ang pagsabog sa Gensan ay pangatlong pambobomba sa South Central Minda­nao kasunod ng nangyaring magkahiwalay na pagsabog noong Agosto 28 at September 2 sa Isulan, ang kabiserang bayan ng Sultan Kudarat na nag-iwan ng lima kataong patay at mahigit 40 pa ang sugatan.

vuukle comment

BOMBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with