^

Probinsiya

Tserman nilikida ng nag-iisang killer

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng nag-iisang armadong salarin sa harapan ng kanyang tahanan sa  Brgy. Hugom, San Juan, Batangas nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mario Valdez Sulit, chairman ng Brgy. Hugom, nasabing bayan.

Sa ulat ng Batangas Police, dakong alas-9 ng gabi habang papasok si Sulit sa gate ng kanilang tahanan  nang biglang sumulpot sa lugar ang hindi pa nakilalang lalaki lulan ng motorsiklo at armado ng cal. 40 pistol. Walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang tserman na napuruhan ng mga bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nagawa pang maisugod sa San Juan District Hospital  ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya na motibo sa krimen, una ay pulitika kaugnay ng nalalapit na halalan sa Brgy. at Sanggunian Kabataan sa Mayo at personal na alitan.

vuukle comment

MAPATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with