^

Probinsiya

Van bumaliktad: 2 patay 17 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Nauwi sa trahedya ang masayang bakasyon ng pamilya makaraang bumaliktad ang kanilang van saka sumalpok sa poste at nahulog pa sa kanal na ikinamatay ng dalawa habang 17 naman ang nasugatan kahapon ng madaling araw sa Barangay San Antonio, bayan ng San Mateo, Isabela. ?

Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas, chief Investigator ng Isabela police ang dalawang namatay na sina Veronica Salvador, 10; at Aldrin Gutierrez, 46, mga nakatira sa bayan ng San Mateo, Rizal.?

Lumalabas sa imbestigasyon na aksidenteng bumigay ang kanang tire rod ng Nissan Urvan kaya nawalan ng kontrol ang drayber na si Eduardo Villaflor kung saan sumalpok sa poste saka bu­maliktad at nahulog sa kanal dakong alas-2 ng madaling araw. ?

Kasama ni Villaflor, 56, na isinugod sa pagamutan ay ang mga kaanak na sina Merlita Fuentes, 47; Emma Vidal, 54; Agusto Fuentes, 56; Anna Fuentes, 21; Chelvin Rega­lario, 9; Gervin Regalario, 11; Rizal Vidal, 51; Mary Ann Villaflor,11; Maribeth Vidal, 47; Cenimlab Pajarillo, 6; Charles Amid Pajarillo, 7; Nica Joy Santos, 11; Rosita Villaflor, 57; Lilibeth Alava, 43; Ferly Jane Alava, 19; at si Christian Alava, 13.?

Nabatid na ang mga biktima ay dadalo sana sa kasalan sa bayan ng Roxas na may 25 kilometro na lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng trahedya.

vuukle comment

MANUEL BRINGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with