^

Probinsiya

Kolektor, nagkunwaring naholdap, dakma

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng 21-anyos na marketing collector matapos magpanggap na naholdap nang maipatalo nito sa sugalan ang mala­king halaga na nakolekta sa bayan ng Baggao, Cagayan. Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang suspek na si Samuel Malupeng ng Barangay Gadu sa bayan ng Solana, Cagayan. Unang sinabi ni Malupeng na siya ay hinarang ng dalawang kalalakihan na sakay ng  motorsiklo sa bayan ng Baggao kung saan tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng P67, 000. Gayunman, nabisto ang suspek matapos itong pagdudahan ng imbestigador ng pulisya na hindi magkakatugma ang kanyang pahayag dahil  nasa kanya pa rin naman ang pitaka at cell phone. Dito na umamin si Malupeng at sinabi na ang kanyang koleksyon na P40,000 ay naipatalo sa pasugalan sa Tuguegarao City.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with