^

Probinsiya

Mister binril sa harap ni misis

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 52-anyos na medical radiologist matapos itong barilin ng maskaradong lalaki sa harapan ng kanyang misis sa Maharlika Homes Subdivision, Cauayan City sa Isabela kamakalawa. Tinamaan sa dibdib ang biktimang si Bernard Piedad na kaagad namang naisugod sa pribadong bahay pagamutan. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Engelbert Soriano, hepe ng Cauayan City PNP, pababa sa SUV ang biktima at kanyang misis mula sa isa pa nilang bahay sa bayan ng San Mateo nang lapitan at ratratin dakong alas-9 ng gabi.? Hindi naman sinaktan ng gunman ang nakatulalang misis kung saan tinangay ang mga alahas at pitaka ng biktima upang palabasin ang anggulong pagnanakaw.

vuukle comment

CEBU LIFESTYLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with