^

Probinsiya

Mag-uutol dedo sa paksiw na isda

Joy Cantos, Ed Casulla at Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumulagta ang magkakapatid na bata habang malubha naman ang kanilang mga magulang matapos na malason sa kinaing paksiw na isda sa bayan ng San Jose Pa­nganiban, Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina John Ronnel, 5; Princess Jessavel, 2; at si Mark Veejay Galleon, 7.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang mag-asawang sina Jessa Galleon at Valentino Galleon.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Victor Abarca, hepe ng Jose Panganiban PNP na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-11 ng tanghali noong Martes ng mananghalian ang pamilya Galleon ng paksiw na isdang nalambat ni Valentino.

Gayon pa man, ilang oras matapos ang panang­halian ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo, paninikip ng dibdib, at pamamanhid ng katawan ang mag-anak kaya unang isinugod sa Jose Panganiban Primary Hospital Services Coo­perative subalit idineklarang patay sina Jhon Ronnel at Princess Jessavel .

Sumunod namang na­­matay si Mark Veejay matapos itong dalhin sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Kasalukuyang sinusuri ng mga opisyal ng kalusugan ang sample ng kinaing isda ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with