^

Probinsiya

Misis kinatay ng ‘Akyat-Bahay’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Brutal na kinatay ng pinaniniwalaang miyembro ng ‘Akyat Bahay’ ang 50-anyos na misis ng isang Barangay Chairman sa kanilang teritoryo sa Barangay Esperanza, Angadanan, Isabela kahapon ng madaling-araw.? Sa report na nakarating kay Isabela Police Director Sr. Supt Leon Rafael, nagtamo ng 28 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Carol Magaoay, misis ni Chairman Nilo Magaoay sa nasabing lugar. ?Lumalabas sa imbestigasyon na iniwan ng Chairman ang misis nito na himbing sa pagtulog upang araruhin ang kanilang bukid dakong alas-4:00 ng madaling-araw. Ayon sa report, laking gulat ng opisyal nang madatnan ang misis nito na naliligo sa sariling dugo dakong alas 8:00 ng umaga. Ayon sa mga kaanak ng biktima, nawawala ang pinagbentahan ng mag-asawa sa kanilang inaning palay na gagamitin sanang pang-date nila sa sinehan at pagkain sa labas  nang araw na naganap ang karumal-dumal na krimen. ?Tulala pa rin ang opisyal matapos ang krimen.

vuukle comment

ACIRC

AKYAT BAHAY

ANG

ANGADANAN

AYON

BARANGAY CHAIRMAN

BARANGAY ESPERANZA

CAROL MAGAOAY

CHAIRMAN NILO MAGAOAY

ISABELA

ISABELA POLICE DIRECTOR SR. SUPT LEON RAFAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with