^

Probinsiya

83-anyos lolo na wanted, arestado

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Isang 83-anyos na lolong taga-Ilocos Norte na halos dalawang dekada nang tinutugis ng batas sa kasong panggagahasa ang nasukol ng pulisya sa pinagtataguang lungga sa Barangay Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ni Chief Insp. Jonathan Papay, ta­gapagsalita ng Ilocos Norte Police ang suspek na si Gavino Nacino na may patong na pabuyang P90,000 sa kanyang ulo ng DILG at tubong Brgy. Abaca, Bangui, Ilocos Norte. Ayon kay Papay, noong Mayo 1994 pa ipinalabas ni Bangui RTC Judge Rodolfo Manzano ang warrant of arrest nang walang piyansa kay Nacino para sa kasong two counts of rape na isinampa ng isang dalagita noong 60 anyos na ito. Si Gavino ay number 2 top most wanted sa batas sa kanyang teritoryo sa Ilocos Norte dagdag ni Papay.

vuukle comment

BANGUI

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSP

GAVINO NACINO

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE

JONATHAN PAPAY

JUDGE RODOLFO MANZANO

NUEVA VIZCAYA

PAPAY

SI GAVINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with