^

Probinsiya

Kuya tinadtad ni bunso

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 49-anyos na kuya sa kamay ng kanyang bunsong kapatid nang pagsasaksakin nito sa kasagsagan ng kanilang mainitang pagtatalo sa Barangay Aguinaldo, Bulan, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay si Rod­rigo Sacopon, 49, may asawa, magsasaka, ng Barangay Casini, Irosin, nasabing lalawigan habang sumuko sa mga tanod ang suspek na si Joy Sacopon, 40, may asa­wa, magsasaka, ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 nang mapatay ng nakababatang Sacopon ang kanyang kuya sa loob ng bahay ng una.

Nauna sa insidente,  dina­law ni Rodrigo ang kanilang bunso na si Joy at magkasama pa umano silang magkapatid na nakipag-inuman sa kapitbahay ng huli.

Nang malango na sa alak ang magkapatid, umuwi na sila sa bahay ni bunso at sabay na naghapunan.

Habang kumakain, big­la na lamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi pa batid na dahilan hanggang sa mabilis na kumuha ng kutsilyo si bunso at pinagsasaksak ang kanyang kuya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY AGUINALDO

BARANGAY CASINI

BATAY

BULAN

HABANG

IROSIN

JOY SACOPON

NANG

SACOPON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with