^

Probinsiya

Mag-asawa kinarne ng manugang

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mamatay ang mag-asawang magsasaka makaraang mairita ang kanilang manugang na lalaki dahil sa panenermon kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Barangay Villa Reyes sa bayan ng San Narciso, Quezon.

Nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang katawan ng mag asawang Absalon Dumos, 63; at Teresita Dumos, 62, habang tinutugis naman ng pulisya ang 40-anyos na suspek na si Henry Arcenas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9:30 ng gabi nang pagtatagain ng suspek na senglot ang mag-asawa na magkatabing natutulog  sa loob ng kubo.

Tumakas naman ang suspek lulan ng motorsiklo na nagtungo sa bulubundu­king bahagi ng nasabing barangay.

Nabatid na noong nakalipas na linggo ay sinermonan ng mag-asawa ang suspek dahil sa paulit-ulit nitong pananakit sa kanilang anak na babae.

Pinaniniwalaang nagtanim ng panibugho ang suspek kaya isinagawa ang brutal na pamamaslang.

vuukle comment

ABSALON DUMOS

ACIRC

ANG

BARANGAY VILLA REYES

HENRY ARCENAS

NABATID

NAGMISTULANG

PINAGTATAGA

PINANINIWALAANG

SAN NARCISO

TERESITA DUMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with