^

Probinsiya

Shabu session pinasabog: 3 adik utas, 2 grabe

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang Tatlong adik sa bawal na droga habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos pasabugin ang isinagawang shabu session sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay sina Michael Wong, Arthur “Art” Dela Cruz at si Ronald Tupino na mga nakatira sa nabanggit na barangay.

Kritikal naman isinugod sa pagamutan sina Benny Flores, 35; at Joel Starling na kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Dennis Macalintal, hepe ng Antipolo City PNP, magkakasamang humihithit ng shabu ang mga biktima sa loob ng bahay ni Tupino sa Sitio Tagisan 2 sa nasabing barangay nang sumiklab ang pagtatalo sa hindi nabatid na dahilan.

Gayon pa man, isa sa mga biktima ang nagpasabog ng  granada na gumimbal sa kalapit na bahay kaya kaagad na rumesponde ang mga operatiba ng pulisya.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang nagpasabog ng granada pero isang nag­ngangalang Eric Ramos ang inaresto subalit itinanggi nito na siya ang naghagis ng granada.

Narekober sa blast site ang dalawang Granada, mga plastic sachet ng shabu at iba’t-ibang drug paraphernalia habang patuloy naman ang im­bestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTIPOLO CITY

BARANGAY BAGONG NAYON

BENNY FLORES

DELA CRUZ

DENNIS MACALINTAL

ERIC RAMOS

JOEL STARLING

MICHAEL WONG

RONALD TUPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with