^

Probinsiya

3 arestado sa pagpupuslit ng narra

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kalaboso ngayon ang mag-asawa at kasama ng mga ito na overseas Filipino worker matapos na masakote sa tangkang pagpupuslit ng mga kahoy na narra kamakalawa sa Abulug, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerwin Tucrang, 31, driver, OFW tubong Pudtol, Apayao at ang mag-asawang sina Roderick at Revelyn Estrebor. Nahuli sa checkpoint ang mga suspek nang parahin ng pulisya ang Nissan Urvan na sinasakyan ng mga ito at mga narra sa Barangay Li­bertad, Abulug, Cagayan.

Nasamsam naman ang 25-pirasong tablon ng narra na nagkakahalaga ng P30,000.

Nahaharap sa kasong illegal logging ang mga suspek habang ang van at ang mga nakumpiskang narra ay isinailalim sa kustodya ng Police 2nd Manuever Company.

vuukle comment

ABULUG

APAYAO

BARANGAY LI

JERWIN TUCRANG

KALABOSO

MANUEVER COMPANY

NISSAN URVAN

REVELYN ESTREBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with