^

Probinsiya

60-anyos lolo sinaksak, sinunog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na lolo matapos saksakin ay sinunog pa ng mga di-kilalang lalaki saka inabandona sa gilid ng highway sa Barangay Guisuis Talon, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa biktimang si Estanislao Umali ng Barangay 9 sa Lucena City. Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng biktima nakahandusay sa gilid ng Eco-Tourism Road kung saan halos hindi na makilala dahil sa sunog ang mukha at ibang bahagi ng katawan. Pinaniniwalaang pinaslang sa ibang lugar saka inabandona sa madamong bahagi ng nasabing barangay para ilihis ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY GUISUIS TALON

ECO-TOURISM ROAD

ESTANISLAO UMALI

KALUNUS

LUCENA CITY

PALAISIPAN

PINANINIWALAANG

QUEZON

SARIAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with