^

Probinsiya

2 magsasaka nilikida ng NPA

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines - Napatay ang dalawang magsasaka na sinasabing tiktik ng military at pulisya makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Geoffrey Fernandez,  unang niratrat at napatay sa harap ng kanyang misis ang biktimang si Lorenzo Villagarcia, 82, ng Purok 5 sa Barangay Bayan-bayan. Samantala, binaril naman sa mukha ang 44-anyos na si Elmer Rempilio habang nagpapahinga sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Bagong Silang 2 sa bayan ng Labo. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

BARANGAY BAGONG SILANG

BARANGAY BAYAN

CAMARINES NORTE

ELMER REMPILIO

GEOFFREY FERNANDEZ

LABO

LORENZO VILLAGARCIA

NAPATAY

NAREKOBER

NEW PEOPLE

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with