^

Probinsiya

Pader ng bodega gumuho: 12 patay

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 12-katao kabilang ang isang menor-de-dad makaraang madaganan ng pader sa ginagawang bodega sa Barangay Ilang-Ilang, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon.

Kabilang sa mga namatay ay sina Jonathan Saga­yap, Arnel Gardinio, Joseph Belliones, Dave Avelino, Ramon Buitizon, Marlon Andaya, Nestor Maipon, Arnold Bernabe, at ang 7-anyos na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sugatan naisugod sa    Bulacan Medical Center at iba pang ospital sina Ed-mund Bernabe at Junie Ganila na kapwa  manggagawa sa gusali na pag-aari ni Dante Chua sa nasabing barangay.

Nabatid din na ang pi­­nag­­tayuan ng pader ng bo­dega  na parerenta­han sana ng may-ari ay dating taniman ng palay.
Sa ulat na nakarating kay            P/Supt. Ernesto Cruz, dakong alas-3 ng hapon nang gumuho ang concrete slab sa nakatayong firewall ng bodega.

Dumagan sa barracks na tinutuluyan ng mga biktimang magkakasamang namatay.

Nabatid din na ang contractor sa ginagawang gusali ay sinasabing hawak ng Hoc Lim Company.

Pinag-aaralan ng mga awtoridad ang pananagutan ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa naganap na trahedya.

 

vuukle comment

ARNEL GARDINIO

ARNOLD BERNABE

BARANGAY ILANG-ILANG

BULACAN MEDICAL CENTER

DANTE CHUA

DAVE AVELINO

ERNESTO CRUZ

HOC LIM COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with