3 bombero tiklo sa pot session
MANILA, Philippines - Tatlong bombero ang inaresto ng mga tauhan ng anti-narcotics operatives makaraang maaktuhang sumisinghot ng shabu sa isinagawang operasyon sa compound ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Barangay Poblacion, bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Senior Fire Officer 1 Arnold Indab, 46; Fire Officer 2 Jessie Ruales, 48; at si Fire Officer 2 Edwin Dalion, 34; pawang nakatira sa bayan ng Bayog, Zamboanga del Sur.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:50 ng umaga nang ilatag ang operasyon ng Buug PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa barracks ng mga suspek sa loob mismo ng BFP compound matapos makatanggap ng impormasyon.
Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na maaktuhan sa pot session kung saan nasamsam ang isang plastic sachet na shabu at ilang drug paraphernalias.
- Latest