^

Probinsiya

Service crew ng burger stand, kinatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines —Love triangle ang isa sa mga sinisilip na anggulo ng pulisya sa brutal na pamamaslang sa isang 23-anyos na service crew ng isang 24-hour burger stand sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela kamakalawa  ng madaling araw.?

Natagpuan ng Scene of the Crime Operatives ang bangkay ni Niña Bassig ng Brgy. Flores, Naguilian na naliligo sa sariling dugo sa gawing pintuan ng mobile stand at pinaniniwalaang pinatay sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng umaga. ?

Ayon kay SPO4 Rodante Sinuto; isinantabi nila ang anggulong pagnanakaw bilang motibo sa krimen dahil hindi nagalaw ang perang pinabentahan ng biktima sa kanyang kahon.?

Nagtamo ng sampung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na sanhi na agad nitong kamatayan.

Inimbitahan ng pulisya ang ka-live-in ng biktima na si Randy Layugan na isang empleyado ng makinarya sa nasabing lungsod subalit itinanggi nitong may kinalaman siya sa nasabing pagpatay.  Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang krimen.

 

vuukle comment

AYON

BASSIG

BRGY

CAUAYAN CITY

INIMBITAHAN

RANDY LAYUGAN

RODANTE SINUTO

SAN FERMIN

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with