^

Probinsiya

Binatilyo sinermunan ng tatay, nagbigti...Misis umuwing buntis; mister nag-suicide…

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 16-anyos na tinedyer na sinasabing siner­munan ng kanyang tatay makaraang magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat noong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na impormasyong ipinarating ng Lambayong PNP, natagpuang nakabitin si Jeric Lim sa kanyang kuwarto.

Bago ang insidente, pinagalitan umano ito ng kanyang tatay dahil sa hindi nasunod na utos na mailuto ang noodles.

Nabatid na ikinatwiran ng biktima na inutusan din siya ng kanyang nanay kaya nakalimutan naman ang pagluluto ng noodles.

Sinasabing dinamdam ng biktima ang sermon ng kanyang tatay kaya nagkulong sa kuwarto saka nagpasalubong kay kamatayan.

Samantala, nagpakamatay din ang 47-anyos na mister makaraang madiskubreng buntis ang kanyang misis na umuwi mula sa Kuwait kahapon ng madaling araw sa Purok Riverside, Barangay El No­nok, bayan ng Banga, South Cotabato.

Nagbigti sa tubo sa likurang bahagi sa kanyang bahay nang matagpuan ang biktimang si Arthur Gillesania.

Sinasabing naging desperado si Gillesania nang malamang umuwing buntis mula Kuwait ang kanyang misis.

vuukle comment

ARTHUR GILLESANIA

BARANGAY EL NO

JERIC LIM

KANYANG

LAMBAYONG

PUROK RIVERSIDE

SINASABING

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with