^

Probinsiya

Killer ng retiradong guro, tiklo

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines -  Bagsak kalaboso ang isang lalaki na positibong itinuro ng isang 5 taong gulang na batang lalaki makaraan ang ginawang karumal dumal na pagpatay sa isang retiradong guro  sa Brgy Paloyon Proper, Nabua, Camarines Sur kamakalawa.

Ang suspek na nahaharap sa kasong robbery homicide ay nakilalang si Leo “Bobby” Bonador  residente ng Zone 2, La Opinion, Nabua, Camarines Sur

Sa isinagawang follow up operation sa pamumuno ni P/Chief Insp. Ruben Padua, naaresto ang suspek sa kanyang bahay at nakuha ang isang patalim na ginamit sa ginawang paglaslas ng leeg sa biktimang si Bella Abaca na natagpuang duguang nakabulagta sa kanyang kuwarto kamakalawa.

Narekober din ng mga awtoridad ang ninakaw na mga alahas sa biktima  na umaabot sa halagang P.4M.  at halos magwala sa galit ang mga kapatid at kapamilya ng matanda ng mahuli ang suspek na pinaniniwalaang gumagamit ng ipinagbabawal na droga .

 

vuukle comment

BAGSAK

BELLA ABACA

BONADOR

BRGY PALOYON PROPER

CAMARINES SUR

CHIEF INSP

LA OPINION

NABUA

RUBEN PADUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with