^

Probinsiya

College stude dedo sa rambulan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Hindi na umabot ng pagbubukas ng klase sa Hunyo ang 19-anyos na estudyante matapos itong saksakin at mapatay ng isa sa kalabang grupo sa naganap na rambulan ng mga kabataan sa diskuhan sa Barangay Caritan, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. 


Kinilala ni Chief Insp. Ruben Verbo, deputy chief ng Tuguegarao City PNP ang biktima na si John Rey Bongoi, college student at tubong Cabugao, Apayao. 
Lumalabas sa imbestigasyon na natapakan ng kasamahan ng biktima na si Leonardo Sedon ang paa ni Gerald Espergal na sinasabing karibal na grupo ng kabataan habang nagsasayaw sa dance floor sa diskuhan.
Gayon pa man,  su­mik­lab ang rambulan sa pagitan ng magkalabang grupo ng kabataan hanggang sa humantong sa pananaksak at pagkamatay ng biktima.
Wala naman makapagturo sa dalawang grupo kung sino ang nakasaksak sa biktima dahil sa pawang mga lango sa alak habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

APAYAO

BARANGAY CARITAN

CABUGAO

CHIEF INSP

GERALD ESPERGAL

JOHN REY BONGOI

LEONARDO SEDON

RUBEN VERBO

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with