^

Probinsiya

Road mishap: 1 dedo, 3 grabe

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Isang ginang ang nasawi habang malubha namang nasugatan ang tatlong iba pa matapos na aksidenteng sumabog ang gulong ng kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Zone 1, Brgy Kinalasan, San Jose, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rosalinda delos Santos, 50-anyos, may asawa, dead-on-arrival sa Partido District Hospital.

Nasa kritikal namang kondisyon sina Joseph Delos Santos 26, may asawa, anak ng nasawing misis, Daryl Pesimo, 19, binata at ang 8- anyos na si Marjorie Molina; pawang mga residente ng Zone 7, Brgy. Idong, Presentacion, Camarines Sur.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas 4:20 ng hapon habang ang mga biktima ay sakay ng motorsiklo (EM-2484) na minamaneho ni Joseph, kaangkas ang iba pang biktima na patungo sa fellowship ng El Shaddai nang mangyari ang insidente.

Bigla  na lamang suma­bog ang gulong ng motorsiklo na nagkataong mabilis ang takbo na nagbunsod sa sakuna na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY KINALASAN

CAMARINES SUR

DARYL PESIMO

EL SHADDAI

JOSEPH DELOS SANTOS

MARJORIE MOLINA

PARTIDO DISTRICT HOSPITAL

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with