^

Probinsiya

SB member patay sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 51-anyos na Sanggunian Bayan member ng mga armadong kalalakihan sa naganap na ambush sa kahabaan ng highway sa  Barangay Raba, bayan ng Godod, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ang biktimang si Arthur Buaya ng puting Suzuki 125  (JH 9961) pauwi nang pagbabarilin ng mga armadong suspek pagsapit sa nasabing lugar.

Sa ulat ni P/Senior Inspector Robert Ortega , spokesman ng PRO-9, naganap ang insidente sa Purok 2 sa nasabing barangay dakong alas-7  ng umaga.

Samantalang bago ang insidente ay ilang kahinahinalang kalalakihan ang namataang nag-aabang sa target na opisyal.

Ang biktima ay duguang tumilapon sa motorsiklo at pagbagsak sa lupa ay muling niratrat ng mga suspek saka mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng Brgy. Banuangan.

Pinaniniwalaan namang pulitika ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ARTHUR BUAYA

AYON

BANUANGAN

BARANGAY RABA

BRGY

GODOD

NORTE

PINAGBABARIL

SANGGUNIAN BAYAN

SENIOR INSPECTOR ROBERT ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with