^

Probinsiya

Ina na sumunog sa 4-anak ipapa-psycho test

Joy Cantos at Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasalang sa psychological test ang 33-anyos na nanay na brutal na pumaslang sa kanyang apat na anak matapos pagsasaksakin bago sinunog sa kanilang inuupahang apartment sa Barangay Iba, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Joel Orduna, sa follow-up operations ay nasakote ang suspek na si Marie Dexter Darlucio at ngayon ay nahaharap sa kasong multiple parricide.

Kinilala ang mga biktima na sina  Karyl Franz, 9; Zeth Benedick, 7; Zane Jacob, 3; at York Joshua, 1.

Ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan sa ikalawang palapag ng  Berboso Apartment sa Hulo Street na halos hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog.

Inamin ng suspek na pinagsasaksak niya ang apat na anak saka ikinulong sa ikalawang palapag ng apartment kung saan sinunog nito.

Sinabi ng opisyal na noong una ay inakala ng mga imbestigador na ang mga biktima ay namatay sa sunog pero nagulat sila ng aminin mismo ng suspek na pinatay at sinunog niya ang kaniyang mga anak dahil inabandona na umano siya ng kaniyang asawa.

vuukle comment

BARANGAY IBA

BERBOSO APARTMENT

HULO STREET

JOEL ORDUNA

KARYL FRANZ

MARIE DEXTER DARLUCIO

MEYCAUAYAN CITY

SENIOR SUPT

YORK JOSHUA

ZANE JACOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with