^

Probinsiya

Mister pinugutan sa inuman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang mister matapos itong pagtulungang saksakin at pugutan ng magkapatid sa gitna ng inuman sa Purok 3, Barangay Mojon, bayan ng San Jose, Antique kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Celestino Guara, Antique PNP director, kinilala ang napatay na si Julius Mistas ng San Remegio, Antique.

Samantala, pinaghahanap naman ang magkapatid na suspek na sina Roberto Ymon, 27; at Imbo Ymon, 23.

Nabatid na inimbitahan ng mga suspek na uminom ng alak ang biktima sa kanilang bahay sa nasabing barangay.

Gayon pa man, nang malango sa alak ang tatlo ay sumiklab ang mainitang pagtatalo kung saan pinagtulungang saksakin at pagtatagain ang biktima.

Hindi pa nakuntento matapos na mapatay ay pinugutan pa ang biktima saka itinapon na may anim na metrong layo ang ulo mula sa katawan nito.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong paghihiganti matapos na mapaslang ng biktima ang isa sa mga kamag-anak ng mga suspek.

 

vuukle comment

BARANGAY MOJON

CELESTINO GUARA

GAYON

IMBO YMON

JULIUS MISTAS

KARUMAL

ROBERTO YMON

SAN JOSE

SAN REMEGIO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with