^

Probinsiya

SUV vs trak: Bodyguard dedo, alkalde sugatan

Boy Cruz at Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 30-anyos na bodyguard habang tatlong iba pa ang nasugatan kabilang si Malolos City Mayor Christian Natividad makaraang salpukin ng trak ang kanilang SUV sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay  Sto. Cristo, bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Roderick Santiago na sinasabing hindi na naipagdiwang ang kanyang kaarawan kahapon habang sugatan naman ang nasabing alkalde at dalawang close-in bodyguard na sina Nicanor Reyes Jr., 36; at Maverick Jake Perez, 22.

Pormal namang kinasuhan ng pulisya ang drayber na si Roger Garces, 33, ng Brgy. Tandang Sora sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na patungong katimugan ang sasakyan ni Mayor Natividad kasama ang tatlo nitong alalay nang salpukin ng trak (RKD557) ni Garces pagsapit sa nasabing lugar.

Maging ang sasakyan ng JD Farm Inc. na nakaparada sa gilid ng highway ay binangga rin ng trak ni Garces.

vuukle comment

BULACAN MEDICAL CENTER

FARM INC

GARCES

MAHARLIKA HIGHWAY

MALOLOS CITY MAYOR CHRISTIAN NATIVIDAD

MAVERICK JAKE PEREZ

MAYOR NATIVIDAD

NICANOR REYES JR.

QUEZON CITY

RODERICK SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with