^

Probinsiya

Biyuda tupok sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na biyuda ang nasawi habang nasa 49 pamilya naman ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa isang siksikang mga kabahayan sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa.

 Kinilala ang nasawing biktima na si Jackie Lasara, nakulong ng apoy sa loob ng inuupahan nitong kuwarto na kabilang sa natupok ng apoy sa lugar.

Sa ulat ng Iligan City Fire Marshal, nagsimula ang sunog sa lugar bandang alas-7 ng umaga  sa bahagi ng Santiago-Alunan area ng lungsod na mabilis na kumalat sa mga kabahayan dito.

Sa pahayag ng ilang mga testigo ang apoy ay nagsimula sa ikalawang palapag ng boarding house ni Nelia Abapo kung saan isa rito ay inuupahan ni Lasara.

Nabatid na kasalukuyan pang mahimbing na natutulog si Lasara ng mangyari ang sunog na bumalot sa buong boarding house ni Abapo kung saan nabigo na itong mailigtas dahilan nababalutan na ng sunog ang buong kabahayan habang nasunog rin ang nasa 15 pang kabahayan.

vuukle comment

ABAPO

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY FIRE MARSHAL

ISANG

JACKIE LASARA

KINILALA

LANAO

LASARA

NABATID

NELIA ABAPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with