^

Probinsiya

Sundalo natagpuang patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sundalo na kabilang sa nagsasagawa ng clearing operation sa lugar na winasak ng karahasan sa siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang natagpuang patay sa kaniyang silid ng kasamahan nito kamakalawa sa Brgy. Sta Catalina, Zamboanga City.

 Sa report ng Zamboanga City Police, kinilala ang biktima na si Sergeant Sherwin Gubot, nakatalaga sa 3rd Platoon, Bravo Company ng Army’s 9th Infantry Battalion.

Bandang alas-2:10 ng madaling araw ng ma­tagpuan ang bangkay ng biktima sa kanilang pansamantalang itinayong patrol base malapit sa Tres Alas, Brgy. Sta Catalina ng lungsod.

Nagawa pang isugod ang biktima ng mga kap­wa nito sundalong sina Corporal Jomar Lamud at Sgt. Ricardo Romero sa Camp Navarro Hospital pero idineklara na itong dead on arrival. Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima na hinihinalang binangungot at inatake sa puso.

 

vuukle comment

BRAVO COMPANY

BRGY

CAMP NAVARRO HOSPITAL

CORPORAL JOMAR LAMUD

INFANTRY BATTALION

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

RICARDO ROMERO

SERGEANT SHERWIN GUBOT

STA CATALINA

TRES ALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with