^

Probinsiya

2 patay, 7 sugatan sa road mishap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang pito ang nasugatan matapos na bumangga ang pick-up sa punungkahoy sa kurbadang kalsada sa Brgy. Sipsipin sa bayan ng Jala-jala, Rizal kahapon ng u­maga. Idineklarang patay sa Ynares Municipal Hospital ang mga biktimang sina Eddie Jarquio, at Jenny Ordas, kapwa nakatira sa Barangay Nio­gan, bayan ng Pililla, Rizal. Kabilang sa mga sugatan ay sina Bernard Tomono ng Brgy. Malaya; Ramirez Realyn ng Brgy. Malaya;  Je­rome Mercado ng Barangay Niogan; Rose Ann Gellido ng Barangay Niogan; Anna Lato ng Brgy. Quisao; Kim Kelly De Leon ng Barangay Malaya; at si Joan Gonzal ng Brgy. Wawa, Pililla. Ayon kay PO3 David Golla, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng sasakyang Isuzu Fuego (XFF-874) pagsapit sa kurbadang highway kaya sumalpok sa punungkahoy na nasa gilid ng kalsada. Tumilapon ang mga biktima mula sa sasakyan kung saan namatay ang dalawa.

vuukle comment

ANNA LATO

BARANGAY MALAYA

BARANGAY NIO

BARANGAY NIOGAN

BERNARD TOMONO

BRGY

DAVID GOLLA

EDDIE JARQUIO

ISUZU FUEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with