^

Probinsiya

Nabuntis ng nobyo, nagbigti

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 17-anyos na dalagita na nabuntis ng kanyang nobyo matapos itong magbigti sa kanilang tahanan sa Sitio Uno, Barangay Tinawagan sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuang nakabitin ang katawan ng biktimang si Mary Rose Pesimo. Bago maganap ang insidente, kinumpronta ng biktima ang kanyang kasintahan kaugnay sa pagbubuntis nito, subalit tumangging panindigan ang dinadala sa sinapupunan. Kinausap din ng biktima ang kanyang mga mga magulang kaugnay sa kanyang pagbubuntis at inasal ng kanyang nobyo kaya naman buong suporta ang ibinigay sa dalagita. Subalit hindi natinag ang biktima at nagpasyang magpasalubong kay kamatayan sa loob ng kanyang kuwarto.

vuukle comment

BARANGAY TINAWAGAN

CAMARINES SUR

DAKONG

KANYANG

KINAUSAP

KUSANG

MARY ROSE PESIMO

SITIO UNO

SUBALIT

TIGAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with