^

Probinsiya

Jeepney vs kariton: 3 patay; 5 sugatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   â€“ Kamata­yan ang sumalubong sa tatlong sibilyan habang limang iba pa ang sugatan makaraang salpukin ng pampasaherong jeepney ang kariton sa kahabaan ng highway sa Barangay Calubcub 1st, bayan ng San Juan, Batangas noong Sabado de Gloria ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas police director, namatay ang tatlong miyembro ng pamilya matapos araruhin ng jeepney ang sinasakyan nilang kariton na hatak ng kalabaw sa nasabing lugar.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Chona Señado-Abejar, 34; Jhon-jhon Abejar, 12; at si Junel Señado,17, pawang mga nakatira sa Sitio Baybayin, Pulangbato, bayan ng San Juan, Batangas.

Sugatan naman sina Alfonso Roila, 35; Jessica Abejar,14; Jaymark Abejar,13; Jun-jun Abejar,10; at si Jovelyn Abejar na naisugod sa San Juan Medical Center at Lipa Medix Hospital.

Sa imbestigasyon ng ng pulisya, papauwi na ang mga biktima mula sa masayang outing nang banggain sila sa likuran ng pampasaherong jeepney (ZAK-535) ni Julito Ranario pagsapit sa  nabanggit na barangay.

Samantala, wala namang nasaktan sa mga pasahero ng jeepney na papunta naman sa Barangay Laiya para mag-outing.

vuukle comment

ABEJAR

ALFONSO ROILA

BARANGAY CALUBCUB

BARANGAY LAIYA

BATANGAS

CHONA SE

JAYMARK ABEJAR

JESSICA ABEJAR

JOVELYN ABEJAR

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with