^

Probinsiya

Trak sumalpok sa bato; 3 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang iba naman ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok ang 6-wheeler truck sa malaking tipak na bato sa tabi ng highway sa Barangay Camanga, bayan ng Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga namatay ay sina Roter Saligan, Dennis Dayag at si ­Katherine Misa habang naisugod naman sa ospital sa Pagadian City ang sugatang driver ng truck na si  Federico Itang. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nasiraan ng preno ang truck (PEO142) na kargado ng mga bareles na isda mula  Zamboanga City patungong General Santos City kaya nawalan ng kontrol sa manibel ang driver. Dito na nagtuluy-tuloy na sumalpok sa malaking tipak ng bato sa tabi ng highway. Sa tindi ng pagkakasalpok ay agad na namatay ang tatlong biktima habang sugatang isinugod sa pagamutan ang driver.

vuukle comment

BARANGAY CAMANGA

CAMP CRAME

DENNIS DAYAG

FEDERICO ITANG

GENERAL SANTOS CITY

KATHERINE MISA

PAGADIAN CITY

ROTER SALIGAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with