^

Probinsiya

Mangingisda putol-kamay sa sumabog na dinamita

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Naputol ang kanang kamay ng 61-anyos na batikang mangingisda matapos masabugan ng dinamita habang nangingisda sa karagatan ng bayan ng Burgos, Ilocos Norte kahapon ng umaga. Nakilala ang mangingisda na si Roberto Bucao ng Barangay Bubon, Burgos, Ilocos Norte. Sa ulat ng pulisya, dakong alas 7 ng umaga nang pumalaot si Bucao para mangisda, subalit nagulat na lamang ang kapwa mangingisda nang makarinig ng malakas na pagsabog sa kinaroroonan ng biktima. Agad na nilapitan ng ibang mangingisda ang bangka ni Bucao kung saan nakita ang sugatang mangingisda na wala ng kanang kamay at may mga sugat sa ibat-ibang  bahagi ng katawan. Napag-alamang sumabog ang dinamita na pinaniniwalaang gagamitin sana ni Bucao sa pangingisda.

vuukle comment

BARANGAY BUBON

BUCAO

BURGOS

DINAMITA

ILOCOS NORTE

MANGINGISDA

NAKILALA

NAPAG

NAPUTOL

ROBERTO BUCAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with