^

Probinsiya

Higit P2.5 milyong fire code fees sa BFP-Cainta nawawala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkawala ng mahigit P2.5 milyong koleksyon sa “fire code fees” na pinanga­ngasiwaan ng mga tauhan ng Cainta Municipal Fire Station, iniulat kahapon.

Ang insidente ay inireport ni Fire Senior Inspector Jeremiah L. Padunan, Cainta municipal fire marshal sa Cainta Municipal Police Station nitong Huwebes, Setyembre 17, 2026.

Ang fire station ay matatagpuan Rosepack Compound, Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ng pulong ang mga tauhan ng Municipal Fire Station, at natukoy  noong Set. 4 na umabot sa P11,209, 546.45 ang dapat na kabuuang nakolekta sa Business-One-Stop-Shop (BOSS) mula Enero 2, 2026 hanggang Pebrero 20, 2026.

Nasa 6,416 business establishments ang nakolektahan umano, at ang ilan sa koleksyon ay idinaan sa manu-manong bayaran sa halip online payment dahil mabagal na internet.

Ilan ang idinaan umano sa e-wallets at bank accounts ng mga nakatalagang tauhan.

Batay sa audit, ang fire code fees na nagkakahalaga ng P2,551,188 ay nawawala, at hanggang Setyembre 16, 2026, at natitira ay 78,262.70 sa Pay Maya account.

Ang ulat na ito ay para sa kaukulang disposisyon.

Inirekomenda sa mga kinauukulang tauhan at tanggapan ng Cainta Fire Station na magsagawa ng komprehensibo, masusing reconciliation, validation, at accounting ng lahat ng apektadong transaksyon sa Fire Code Fee upang matukoy ang aktwal na estado ng mga koleksyon at bayad at maayos na matuos ang anumang natitirang balanse o discrepancy.

JEREMIAH L. PADUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with