^

Probinsiya

Nene nanlaban sa 16-anyos, dinedo

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines  - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 13-anyos na nene na sinasabing nanlaban sa rapist matapos itong sapakin at pagsusuntukin ng 16-anyos na binatilyo na sinasabing lango sa bawal na droga sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Nabatid na bandang alas-9 ng umaga nang inutusan ng ina ang biktimang si Jessabel Erasga  para bumili ng makakain sa tindahan subalit hindi na nagawang makabalik sa kanilang tahanan. 

Sa labis na pag-aalala ng ina, humingi ng tulong sa mga kapitbahay sa pag­hahanap sa biktima hanggang sa makitang duguang nakahandusay sa liblib na  palayan na may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Huling namataang buhay ang biktima na kasama ang suspek na itinago sa pangalang Andrew na sinasabing kalimitang guma­gamit ng bawal na droga.

Pinaniniwalaang nanlaban ang biktima sa suspek sa tangkang panghahalay kaya napilitang patayin sa saksak para maitago ang krimen.

Samantala, may iba namang lumabas ding ulat ni P/Chief Insp. Winnie Lasala ng Tinambac PNP na tinangkang agawin ng suspek ang P80 na bitbit ng biktima subalit nanlaban ito kaya pinagsusuntok hanggang sa mawalan ng malay-tao.

vuukle comment

CAMARINES SUR

CHIEF INSP

HULING

JESSABEL ERASGA

NABATID

PINANINIWALAANG

SAMANTALA

TINAMBAC

WINNIE LASALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with