^

Probinsiya

Sanggol, kapatid natusta sa sunog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GENERAL LLANERA, Nueva Ecija, Philippines – Malagim ang sinapit na kamatayan ng dalawang magkapatid kabilang ang isang 3 buwang sanggol matapos na makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Mabini ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Halos nagmistulang u­ling ang mga biktimang  sina Alejandra Asuncion, 8-anyos, Grade 2 pupil at ang 3-buwang gulang na bunso nitong si Princess Asuncion.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na bandang alas-11 ng umaga noong Sabado, kasalukuyang tinutupok ng apoy ang bahay na gawa sa mahihinang uri ng materyales ng mag-asawang Alejandro, 39, at Marissa, 40.

Wala umano sa naturang bahay ang mag-asawa at naiwan ang magkapatid sa bahay. Natutulog umano ang munting sanggol habang nagluluto naman ng kanilang tanghalian ang nakatatandang anak ng mag-asawa.

Hindi pa malinaw sa ulat kung ang pagluluto ng biktimang si Alejandra ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy na naging sanhi ng pagkamatay nilang magkapatid.

Kapwa nagsaad naman ang mag-asawa na hindi sila interesado na magsagawa ng medico legal exam ang awtoridad sa bangkay ng kanilang yumaong dalawang anak.

 

vuukle comment

ALEJANDRA

ALEJANDRA ASUNCION

ALEJANDRO

BRGY

KAPWA

MABINI

MALAGIM

MARISSA

NUEVA ECIJA

PRINCESS ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with