^

Ambush: Kawani ng munisipyo bulagta

- Ed Casulla (The Philippine Star) - October 8, 2012 - 12:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamata­yan ang sumalubong sa 59-anyos na kawani ng munisipyo habang sugatan naman ang kasama nito matapos ratratin ng motorcycle-riding gunman sa bisinidad ng Barangay Tunga sa bayan ng Esperanza, Masbate kamaka­lawa ng hapon.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jesus Baguio, 59, may asawa, habang ginagamot naman sa Cataingan District Hospital ang sugatang si Mauel Placencia, 40, drayber at kapwa nakatira sa Barangay Libertad.

Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang magkaibigan nang pagbabarilin bandang alas-5 ng hapon.

Sumemplang ang motorsiklo ng magkaibigan kung saan dead-on-the spot si Baguio habang nasugatan naman si Placencia.

BARANGAY LIBERTAD BARANGAY TUNGA CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL ESPERANZA JESUS BAGUIO KAMATA LEGAZPI CITY MASBATE MAUEL PLACENCIA NAPURUHAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with