Kawani ng STL todas sa ambush

BATANGAS, Philippines  – Patuloy sa paghahasik ng karahasan ang motorcycle-riding assassins kung saan napatay ang isang kawani ng Small Town Lottery (STL) habang sugatan naman ang kasamahan nito sa Barangay 10, Lipa City, Batangas kamakalawa ng gabi. Nasapol sa ulo ang biktimang si Mel Mendoza habang ginagamot naman sa San Antonio Medical Hospital ang sugatang si Liwenlindo Vergara na nagtamo ng sugat sa kanang braso. Sa ulat ni P/Supt. Christopher Birung, hepe ng Lipa City PNP, bandang alas – 9 ng gabi habang naglalakad ang dalawa sa bisinidad ng H. Latore Street nang lapitan at ratratin. Nagsitakas naman ang gunmen patungo sa direksyon ng Barangay Sabang. Arnell Ozaeta

Show comments