Kaingero tinodas ng baliw na misis
- Arnell Ozaeta (The Philippine Star) - September 22, 2012 - 12:00am

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang kaingero ang nasawi matapos hatawin ng matigas na kahoy ng kanyang baliw na misis habang natutulog sa loob ng kanilang silid sa Siniloan, Laguna kahapon ng umaga,

Sa ulat ng Laguna Police, kinilala ang biktima na si Epifanio Francia Clavio, 45-anyos, residente ng Kilometer 10, Barangay Kapatalan, Siniloan, Laguna.

Isinuko naman sa pulisya ni Barangay Chairman Sedfrey Realeza ang suspek na si Pacita Mercado Clavio, 37-anyos at residente rin ng naturang lugar. 

Batay sa imbestigasyon, bandang alas- 7 ng umaga ng maganap ang insidente sa tahanan ng mag-asawa.

Ayon sa ulat, natutulog umano ang biktima sa kanilang silid nang bigla na lamang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinagpapalo ng matigas na kahoy na may 17 pulgada ang laki ang ulo ng asawa.

Natigil lamang ang pag­hambalos ng kahoy ng ginang nang magising ang 20-anyos na anak ng mga ito na si Mario Clavio at sinaway ang ina.

Agad na isinugod ni Mario ang ama sa Pakil Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

AYON BARANGAY CHAIRMAN SEDFREY REALEZA BARANGAY KAPATALAN BATAY EPIFANIO FRANCIA CLAVIO LAGUNA POLICE MARIO CLAVIO PACITA MERCADO CLAVIO PAKIL HOSPITAL SINILOAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with