^

Probinsiya

Mag-asawang fruit dealer itinumba

- Michelle Zoleta - The Philippine Star

BATANGAS, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa ma­patay ang mag-asawang dealer ng prutas ng lalaking naka motorsiklo sa panibagong pananambang sa bahagi ng highway sa Barangay Isabang, Tayabas City, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mag-asawa na sina Antonio Dayanan, 58; at Teresita Dayanan, 50, kawa nakatira sa nabanggit na lungsod habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Arvin Armaniego, 27, driver, ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Tayabas City PNP, lulan ng pribadong jeepney ang mag-asawa patungo sa Lucena City para mag-deliver ng mga prutas sa palengke nang harangin at ratratin pagsapit sa nasabing lugar pasado alas-3:30 ng madaling araw.

Tiniyak na patay na ang mag-asawang bumulagta bago nilapitan pa ng gunman saka kinulimbat ang hindi pa madeterminang halaga ng pera, alahas at cell phone ng mga ito.

Pinaniniwalaang natiktikan ang mag-asawa na may malaking halaga kaya sinundan at pinatay habang nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

ANTONIO DAYANAN

ARVIN ARMANIEGO

BARANGAY ISABANG

DAGDAG

JOY CANTOS

KINILALA

LUCENA CITY

MAG

TAYABAS CITY

TERESITA DAYANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with