^

Probinsiya

Trader pinabulagta sa labas ng motel

- Michelle Zoleta - The Philippine Star

LAGUNA, Philippines - Napaslang ang negosyanteng lalaki habang sugatan naman ang babaeng kasama nito na pinaniniwalaang karelasyon matapos ratratin ang sinasakyan nilang SUV sa labas ng motel sa bisinidad ng Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Nakilala ang napas­lang na si Arnel Elnar, may-asawa, may-ari ng  Elnar Gold Processing Plant sa Barangay Sta. Rosa Norte sa bayan ng Jose Pa­nganiban, Camarines Norte.

Sugatang naisugod sa Calamba Medical Center si Charmaine Faith Vigo, accounting clerk sa gasolinahan sa Barangay Real, Calamba City at nakatira sa bayan ng Cabuyao Laguna.

Sa ulat ni SPO1 Ernesto Reyes, lumilitaw na bandang alas-6:10 ng umaga nang tambangan ng mga di kilalang lalaki na lulan ng Toyota Corolla (TXH806) ang sinasakyan ng mga biktima na Toyota Fortuner.

Base sa police report, bago naganap ang pana­nambang ay kalalabas pa lamang sa Angels Nest Motel ng dalawa.

Samantala, sa salaysay sa pulisya ng kaibigan ni Elnar na si Micahel Dolera, dati na umanong may nakaalitan ang biktima kung saan pinasabugan pa ng granada at pinaputukan ang bahay ni Elnar ng isang nagngangalang Rony Habitan.

vuukle comment

ANGELS NEST MOTEL

ARNEL ELNAR

BARANGAY REAL

BARANGAY STA

CABUYAO LAGUNA

CALAMBA CITY

CALAMBA MEDICAL CENTER

CAMARINES NORTE

CHARMAINE FAITH VIGO

ELNAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with