6 backhoe sinunog ng NPA

MANILA, Philippines -  Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang winasak ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang anim na backhoe sa compound ng construction company sa Barangay Kagumahan sa bayan ng Kinoguitan, Misamis Orien­tal kamakalawa ng gabi.

Sa pahayag ni Army’s 4th Infantry Division spokesman Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, dakong alas-7:50 ng gabi nang salakayin ng mga armadong rebelde ang Golden Horn Company na nirentahan ng Del Monte Philippines Incorp. para gumawa ng fishbone ditches bilang paghaha­handa sa pagpapalawak pa ng kanilang operasyon sa Misamis Oriental-Bukidnon area.

Walang nagawa ang mga guwardiya at kawani dahil sa matinding takot sa mga armadong rebelde.

Agad namang binuhusan ng gasolina ang anim na backhoe na nagkakaha­laga ng P1.5 milyon hanggang P 2 milyon bawat isa.

Samantala, lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang mariing pagtanggi ng may-ari ng construction company at ng DMPI na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde ang motibo ng pananabotahe.

Show comments