Piggery helper pinugutan ng ulo
- Raymond Catindig (The Philippine Star) - June 16, 2012 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 24 anyos na helper sa piggery matapos itong pugutan ng ulo ng magkapatid na nakaaway nito sa inuman sa Brgy. Alibagu, Ilagan, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Anghel Venus, binata at residente ng nasabing lugar.

Ang mga suspek ay kinilala namang sina Marlon, 26 at Marvin Miguel, 20 tagong gulang; pawang trabahador sa katabing piggery farm na pinagtatrabahuhan ng biktima.

Base sa imbestigasyon, bago ang insidente ay niyaya ang biktima ng mag-utol na suspek na mag-inuman bagay na pinaunlakan naman ng una.

Gayunman ng pawang malasing na ay nagkapikunan ang mga ito hanggang sa pagtulungang bugbugin ng magkapatid ang biktima.

Hindi pa nakuntento ay pinagsasaksak at pinagtataga pa ng magkapatid ang walang kalaban-labang biktima na lumaylay ang ulo sa insidente.

Ang bangkay ng biktima, maliban sa pagkapugot ng ulo lumuwa pa ang bituka sa insidente na natagpuan ng nagrespondeng mga awtoridad sa crime scene. Nasakote naman sa follow-up operation ng mga awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong murder.

ALIBAGU ANGHEL VENUS BIKTIMA BRGY GAYUNMAN ILAGAN ISABELA KARUMAL KINILALA MARVIN MIGUEL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with