^

Probinsiya

Tiyuhin dinedo ng pamangkin

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Pinagtataga at napatay ang 64-anyos na mister ng kanyang pamangkin sa Barangay Agos sa bayan ng Polangui, Albay kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot ng buhay sa Rinconada Medical Center ang biktimang si Epifanio Ramos habang nasakote naman ang suspek na si Jonathan Sada, 36, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, lango sa alak nang umuwi ang suspek kung saan inabutan nito ang kanyang tiyuhin na nakikipag-inuman sa kanyang ina at kay Nestor Cangayo. Kinompronta ng suspek ang biktima kung saan nauwi sa krimen. Nabatid na ang magtiyuhin ay may matagal ng alitan sa hindi nabatid na dahilan.   

ALBAY BARANGAY AGOS EPIFANIO RAMOS JONATHAN SADA KINOMPRONTA NABATID NESTOR CANGAYO PINAGTATAGA POLANGUI RINCONADA MEDICAL CENTER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with