Lider ng robbery gang timbog

LUCENA  CITY, Philippines  – Ares­tado ang kilabot na lider ng isang robbery gang na responsable sa serye ng mga nakawan sa lalawigan ng Quezon at mga kalapit na probinsya matapos masakote habang nanonood ng parada sa piyestang bayan, kamakalawa ng hapon.

Naghihimas na ngayon ng malamig na rehas na bakal ang naarestong si Gary Dequina, lider ng Dequina robbery group na siya ring responsable sa pagnanakaw at panggagahasa sa isang guro ng Quezon National Agricultural School (QNAS) sa Pagbilao,Quezon noong Nobyembre 30, 2011.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala-1-30 ng hapon ay namataan ang suspek na nonood sa palabas sa kahabaan ng Quezon Avenue sa lungsod na ito. Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad subalit natunugan sila ng suspek pero hindi na nakapalag ng masukol ng arresting team.

Show comments