^

Probinsiya

Van nahulog sa bangin: 1 patay, 6 grabe

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE , Philippines  – Isa katao ang nasawi habang anim pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa 30 talampakang bangin ang isang van sa highway ng Brgy. Taisan, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

 Sa imbestigasyon ni SPO2 Albert Joven, agad na binawian ng buhay ang biktimang si Rosalinda Matias ng Malabon City habang mga malubhang sugatan na karamihan ay nabalian ng buto ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

 Bandang alas-3:30 ng hapon, kasalukuyang bumabagtas ang van na minamaneho ni Eddie Nomot ng Mandaluyong City patungo sana sa kapiyestahan ng Brgy. Buhi, Camarines Sur ng aksidenteng mahulog ang behikulo sa bangin.

 Pinaniniwalaan namang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na humantong sa trahedya.

vuukle comment

ALBERT JOVEN

BANDANG

BRGY

BUHI

CAMARINES SUR

EDDIE NOMOT

ISA

MALABON CITY

MANDALUYONG CITY

ROSALINDA MATIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with